Friday, December 11, 2020

Hindi Madaling Mag ipon

Totoo naman, hindi madali  ang mag ipon pero hindi naman ito impossibleng gawin.

Nang makapagtapos ako sa kolehiyo at nakakuha ng regular na trabaho. Sa unang limang taon ko sa pag tratrabaho ay wala talaga ako naiipon. Naisip ko kung bakit.... ito ang aking naging pang Ms. Universe na sagot sa sarili ko  "kasi mapag mahal ako sa pamilya ko at sa mga kaibigan". Labas lang ako ng labas ng pera lalo na kung alam kong merun pa laman ang ATM ko at may available limit pa ang Credit Card ko (sarap kaya mag swipe!).

That was my first five years. Since, naisip ko na hindi ko talaga makuha na ipagkait ang kung anuman ang meron ako. Iniisip ko  muna ano ang gusto ko mangyari sa mga susunod na mga taon. Iniisip ko ang mga kakilala ko na mas matanda sa akin at ano ang naging buhay nila sa kasalukuyan:

1. May kakilala ako na umaasa lang sa kanilang mga anak sa araw araw nilang gastusin. Pambili ng pagkain, pambayad sa kuryente, pambayad sa tubig at pambili ng mga kasuotan.

2. May kakilala naman ako na sila pa ay nagbibigay ng regular allowance sa kanilang anak kahit may regular na itong trabaho at sweldo.

3. May kakilala ako na hindi mapagamot ang kanyang magulang dahil kulang ang kanilang pera.

4. May kakilala rin ako na namatay ang Bread Winner ng pamilya kaya ang naiwang pamilya hindi malaman san kukuha ng ikakabuhay.

5. May kakilala ako na matandang dalaga/binata na umaasa lang sa bigay ng mga kaanak.

6. May kakilala rin ako na inuuna ang bumili ng branded bag, clothes at bag kesa kumain.

7. May kakilala ako na mainit ang ulo kasi sya na ang bread winner sa kanila, kaya tuwing may text ang nanay nya para sa kanilang bayarin ay tila nagbabago lagi ang tema nya.

8. May kakilala ako na nag iisa lang sa buhay pero masaya na pinag aaral ang 3 nyang pamankin dahil ang magulang ng mga batang ito ay yumao na.

9. May kakilala rin naman ako na well-off ang buhay. Hindi sila sobrang yaman pero merun silang naipon ng sila ay malalakas pa kaya comfortable ang buhay nila sa kanilang pagtanda. Hindi sila umaasa sa mga anak nila, nakakakain sila ng sapat, nakakabili ng pang maintenance na gamot nila, if may emergency na kailangan gumastos, merun sila nailalabas.

10. May kakilala ako na mayaman talaga, 4 to 6 times a year sila nagtratravel outside the country mag-asawa,  kasi malalaki ng mga anak nila na yung iba nasa ibang bansa at may kanya kanya na itong pamilya. In short, nakikipag laro nalang sila sa mga apo nila. Retired ng isang malaking company silang mag asawa  kaya malaki laki ang naging ipon nila.

Dun ako napaisip na napaka halaga pala ng pera sa buhay natin. Pera ang magsasabi kung magiging maayos ba ang buhay natin sa ating pagtanda o hindi. Oramismo, naisip ko agad ang solusyon sa problemang yon. DAPAT MAG IPON NA KO ang kaso nga MAGASTOS ako (hay naku!!!).

Haist! Naisip ko lang ito ng mga panahon na iyon pero hindi naging immediate ang aking pag action. Nang ika-anim na taon ng aking pagtratrabaho, ako ay lumipat sa isang Pre-need  Company  bilang admin staff. Nung una ang goal ko lang ay magka work sa Makati pero hindi ko pa rin naman nakakaligtaan ang pangarap ko na makapag-ipon. Maayos naman naging trabaho ko doon. In fairness, na-regular naman ang employment status ko dun after 6 months. Tuloy pa rin naman ang buhay ko that time na gastos lang ng gastos. Pasarap ng buhay lang at wala pa ring ipon, 

Eto na ang life-changing moment ko, mga November that year, nagkaroon ang Company ng promo sa mga empleyado. Ang promo ay magkakaroon ng jacket ang sinumang kumuha ng Plan (produkto namin) tapos salary deduction ito. Sabi ko gusto ko ng Jacket, kukuha nga ako ng Plan. Ang promo that time  ay dapat kumuha ng pension plan na ang amount ay 500k and up. Sa kagustuhan ko kumuha ng jacket, kumuha ako ng plan na P501,000 ang amount/Maturity Benefit para pasok sa pagkuha ng jacket (hahahhaa!). Ang monthly deduction ko that time ay nasa 1k/month at ito ay  5-years to pay lang. Nang makuha ko ang Plan Contract ko at nabasa ang kinuha ko, dun ako  biglang kinilig ng hawak ko yung Contract. Wow! ganito pala ang feeling ng adulting, yung tipong merun naka lagay sa contract na pag nag age 55 na ko ay makakuha na ako ng  P501,000 na pension pero 5 years ko lang ito babayarn at hindi ko nararamdaman ang kinakaltas sa aking sweldo. Ibang saya talaga ang naramdaman ko that day, akala ko dun sa libreng jacket ako matutuwa at kikligin pero ung makita ko ang name ko sa plan ko at may promise na may half million ako makukuha at age 55 ay unexplainable feeling ito. 

Dun ko naisip na ito pala ang bagay na pamamaraan na bagay sa isang mapagmahal sa kapwa at magastos na nilalang na katulad ko. Para makaipon ako, dapat pala ma-pwersa ako mag ipon at magaga wa ko lang ito sa pamamagitan ng FORCE SAVINGS na concept, meaning wala na ko choice kasi automatic dinededuct na nila ito sa sweldo ko. Kaya after 6 months kumuha uli ako ng pension na may ibang maturity date. To-date, natapos ko na bayaran ang mga ito at waiting na ko for their maturity. Hindi ako na-scam kasi kahit nag stop na ang pagbenta ng mga bagong pension plan ng preneed Company na ito ay tuloy pa rin ang pag release nila ng Maturity Benefit.

Four years lang ako nagtagal sa Kumpanya na iyon pero dun ko nakuha ang idea kung ano ang swak na way na pag iipon para sa akin. Sa ngayon ay nasa ibang Kumpanya na ko, dito naman merun kami force savings din, mamili ka from 1% to 5% from your salary na gusto mo ipadeduct monthly for your retirement then dadagdagan ito ng company ng 50%, Example P1000 and deduction mo per month, Si Company dadagdagan ka ng P500/month. O di ba pwede na yun? Automatic sya binabawas sa sweldo then iniinvest lang ito sa isang bank.  Since yun ang bagay at swak sa akin kung paano makakapag ipon,  kaya nag enroll agad ako ng 5%. Sa awa ng dyos, nakaka seven years na ko dito pero lagi pa rin naka-ZERO balance ang ATM ko pero hindi na ko ma-credit card (next topic naman paano ako naging DEBT-FREE sa credit card).

No comments:

Post a Comment

5-step To Do When You Receive Your Salary

 Receiving your salary is an essential part of managing your finances effectively.  1. Review your pay stub/ pay slip to ensure all deductio...