Sumakay ako ng jeep sa Tayuman papunta Sta. Cruz. Habang binabaybay namin ang kahabaan ng Rizal Avenue, may kolokoy na sumakay sa may tapat ng J.Reyes Hospital. Naglitanya na si Kuya,
"hindi ko po kayo nanakawan, kung gugustuhin ko pwede ko kayo nakawan pero disente po akong tao. May trabaho ako sa Divisoria. Nandito po ako para humingi sa inyo ng tulong para sa 2 gulang kong anak na sa ngayon ay nasa J.Reyes naka-confine dahil sa foot and mouth disease. Sinabi ng mga doctor na hirap na daw makakain ang aking anak at wala na kami pambili ng gamot nya, humihingi po ako sa inyo ng konti pangastos. "
Tapos inulit na naman nya ang salitang "Hindi ko po kayo nanakawan, hindi ako magnanakaw.."
Sa takot ko sa sinasabi nya. bumaba na ko ng jeep kahit bayad na ko.
No comments:
Post a Comment