From the boss:
Isa akong Head ng isang Department dito sa Kompanya pinagtratrabahuhan ko. Galing ako sa isang mahirap na pamilya. Nag aral ako sa Public School. Sinuwerte ako dahil nabiyayaan ako ng talino na syang naging sandata ko para maging Abogado. Na-bully ako nung bata ako. Maliit kasi akong babae, Imagine nyo kung paano ako kutyain ng mga kaeskwela ko nung nasa elementary palang ako. Lagi silang merun nasasabi hindi maganda tungkol sa akin - maliit, maitim, payatot, masama ugali, mayabang. Kaya naman pinagbutihan ko ang aking pag aaral kasi tuwing recitation at examination lagi akong top 1.
Ang pagiging Top 1 ang lagi ko goal sa buhay, hanggang ngayong 48 na ko. Hindi pwede hindi ako ang may pinaka-best performance. Kaya bilang boss ng aking Departamento, pina-iigihan ko na maging number 1 kami. Merun ako 10 staff. Pag merun silang pinapa check sa akin, lagi ko iniisip na dapat i-challenge ko sila kaya hindi ako nawawalan ng tanong sa kanila. Saka ugali ko ang magbalik sa kanila ng presentation material na punong puno ng aking comments para maisip nila kung gaano ako kagaling. Napakahina ng mga staff ko, lagi ako may comment sa mga gawa nila. .Naisip ko tuloy, hindi ba nila makaya iduplicate ang pamamaraan ko ng pag-iisip. Anyway, hindi ko rin naman kaya na merun ako maging ka-level ng talino sa kanila. Over my death body!
Mahilig din ako magpabili sa staff ko ng kape. Pinapaabonohan ko muna sa kanila. ito kasi thinking ko "Mamya magbigay ako ng money tapos hindi na nila ibalik ang sukli". Wais ito! Kaya pagbili nila at nakita ko resibo, then e-transfer ko through GCASH ang inabono nila. Saya maging boss!
Ugali ko nga rin pala na pag merun ako matalino na katrabaho, hindi ko ito pinapalagpas... gagawa at gagawa ako ng issue para i-challenge at ipahiya ito. I always believe that I am the best and I deserve to be the best.
Last month nga may pinaalis ako staff ko, nagbigay lang naman ako ng feedback sa may-ari ng Kumpanya na he's not a good leader. He cannot decide on his own. Pero ang totoo kaya ko sya siniraan kasi lahat ng staff, ka vibes nya. Performing din ang team nya kasi maganda relationship nila. Siempre hindi pwede yun dapat ako lang ang bida sa lahat ng staff, dapat ako lang ang ka-vibes nila. Thaks to my charm at na-sway ko ang may -ari na i-redundate sya. Madali lang naman mag hire ng new employee.
Hindi ako naniniwala na dapat maging mabait. Para sa akin, basta may pera at power ako, mabait ang lahat ng tao sa akin. I deserve all wonderful things in this world because I work for it and I truly deserves it.
From the staff:
Naku! binalik na naman ni boss ang presentation with her comments. Mag rerevise na naman ako :(
Ako nga pala ay staff ni Boss, Abogado ako, kakapasa ko lang sa Bar last year. Galing ako sa middle class family. Lumaki ako dito sa Manila, nakapag-aral sa isang private school from elementary to Law school. Gusto ko mag-law kasi mahilig ako magbasa at magaling ako mag memorize.
1 year na ko nag wo-work kay Boss. Sa 1 year na ito, ramdam ko na napaka bobo ko. Di ko maintindihan si Boss. Pag mahaba ang presentation, iksian daw -yung important details lang ang ilagay. Pag maiksi naman - ibabalik na naman nya at sasabihin, dagdagan ang details kasi wala daw substance. Di ko gets ang hugot nya. Pilit ko nalang iniintindi sya. Respect her nalang pero ang weird nya at di ko na nagugustuhan ang nararamdaman ko, masyado na bumababa ang self-esteem ko.
Ang laki ng sweldo nya - 20x ng monthly sweldo ko ang sweldo nya, pero napaka kuripot nya. Lagi sya magpapabili ng kape sa amin at lagi nya pinapa-abonohan then pag nabili na. babayaran nya through GCASH. Di ko gets bat di sya mag abot ng pera pag nagpapabili. First time ko ma-experience na ang staff ang nag-aabono ang pang kape ni Boss. Kagigil talaga!
Yung Manager ko nga pala na under kay Boss ay natanggal last month. Not fit to the job daw ang Manager ko. Naiyak talaga ako nung nagsabi sa amin si Manager. Sya pa naman ang dahilan bat ako nag stay sa Kumpanya. Si Manager din ang nag interview at nag-accept sa akin dito sa trabahong ito. Tapos nabalitaan ko nalang na siniraan daw ni Boss si Manager sa may-ari ng Kumpanya. If totoo man, ang sama ni Boss!
Bat kaya may tao na katulad ni Boss? Masaya kaya sya? Sa opinyon ko, hindi masaya buhay nya kasi parang wala syang friends. Buti nalang ako merun. Nasabi ko na wala syang friend kasi sa amin lang sya sumasabay kumain during lunch at wala rin ako nababalitaan na lumalabas sya with friends. Sa amin talaga sya bumabarkada.
Sa totoo lang hindi ko alam if tatagal pa ko sa trabaho na ito.
No comments:
Post a Comment